Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang

Wednesday September 1,2021


Sa pangunguna ng Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Arte at Letra Departamento ng Filipino, Sentro ng Wika at Kultura at BU Extension Management Division, isang birtwal na Pampinid na Palatuntunan sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ang isinagawa na may temang: “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” na ginanap noong Agosto 31, 2021, ika-10 ng umaga sa Facebook page ng BUEMD.
Tampok dito sina Atty. Joseph L. Bartolata na Pangalawang Pangulo sa Administrasyon at Pananalapi at Dr. Angela E. Lorenzana na Bikol Komisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Source: https://bit.ly/3DAyfWD